Manila, Philippines – Karapatan at bahagi ng kapangyarihan ng Pangulo ang pumili ng mga magiging miyembro ng kanyang gabinete.
Pero ayon kay Senator Joel Villanueva, ang paglipat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Customs Chief Isidro Lapeña para pamunuan ang TESDA ay walang pinagkaiba kay dating Customs Chief Nicanor Faeldon na itinalaga bilang deputy administrator ng Office of the Civil Defense (OCD).
Para kay Villanueva, sina Lapeña at Faeldon, ay parehong nakaligtas sa pananagutan kaugnay sa paglusot sa BOC ng multi-bilyong halaga ng shabu sa ilalim ng kanilang pamumuno.
Sa ganitong kalakaran, duda si Villanueva na malulutas ang problema ng bansa sa ilegal na droga.
Giit ni Villanueva, sa halip na ma-promote ay dapat managot sina Lapeña at Faeldon sa tone-toneladang ilegal na droga na nakapasok sa bansa.