SHABU SHIPMENT | Nicanor Faeldon – Nilinaw na walang resolusyon ang Ombudsman para kasuhan ito

Manila, Philippines – Nilinaw ng kampo ni dating Bureau of Customs Chief at ngayon ay Deputy Administrator sa Office of the Civil Defense Nicanor Faeldon na walang resolusyon ang Office of the Ombudsman na kasuhan siya kaugnay ng P6.4 billion shabu smuggling.

Sa interview ng RMN Manila kay Atty. Jose Diño – abugado ni Faeldon, ipinaliwanag niya na tanging rekomendasyon lang ng special panel of investigators para sa daragdagang imbestigasyon laban sa dating BOC Chief.

Nagtataka si Atty. Diño kung bakit bukod tanging ang kanyang kliyente ang sinilip ng Ombudsman, gayong ibinasura ang mga reklamo laban kina dating Davao City Vice Mayor at Atty. Manases Carpio.


Sa kabila nito, kumpyansa ang kampo ng Faeldon na mababasura ang mga kaso laban sa kanya gaya ng desisyon ng Deparment of Justice (DOJ) noong 2017 sa kaparehong kaso na kanyang kinaharap.

Facebook Comments