Iminungkahi ng isang opisyal ng Department of Interior and Local Governement (DILG) ang magkaroon ng shame campaign laban sa mga Pilipinong hindi nagsusuot ng face masks at hindi sumusunod sa health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Batay sa pag-aaral ng isang London-based group, 91% ng mga Pinoy ang nagsusuot ng masks saan man sila pumunta habang 83% ang regular na naghuhugas ng kanilang mga kamay gamit ang sabon at tubig.
Ayon kay Interior Undersecretary Martin Diño, kailangan pagsalitaan ang sino mang makikitang walang face mask sa pampublikong lugar.
Aniya, mas mabuti na ang isinusulong niyang “shame campaign” sa halip na magbayad ng multa.
Gusto ni Diño na ipakita ang puwersa ng mga awtoridad sa Metro Manila para matakot ang mga tao na lumabag, katulad ng ginawa sa Cebu City.
Paglilinaw ni Diño, hindi pupuntiryahin ng shame campaign ang mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19.
Ang Oplan Kalinga, na isang house-to-house campaign ay layong ilipat ang COVID-19 positive individuals mula sa kanilang bahay patungong quarantine facilities ay magsisilbing awareness campaign.
Makakatulong ito para mag-ingat ang mga komunidad mula sa sakit.