MANILA – Ilulunsad ngayong araw Department of Health (DOH) ang kanilang bagong gimik para mabawasan ang bilang ng mga nabibiktima ng paputok sa pagsalubong ng bagong taonIto’y tatawagin nilang ‘shame campaign’ kung saan papangalanan ang top 5 na lokal na pamahalaan na makakapagtala ng pinakamaraming firecracker related cases.Ayon kay DOH Assistant Secretary Eric Tayag, ang mga masasama sa nasabing kampanya ay mga syudad at munisipalidad na maraming naputukan lalo na ang bata at lugar na maraming itinitindang ilegal na paputok.Sa huling tala ng DOH, mula December 21 hanggang kahapon ay umabot na sa 70 ang nasugatan sa paputok karamihan sa mga ito ay lalaki na may edad 4 hanggang 62.Mababa ito kumpara sa 124 na kasong naitala noong nakaraang taon pero hindi pa rin ito dapat ipagkampante.
Shame Campaign’ Laban Sa Paggamit Ng Paputok, Ilulunsad Ng Doh Ngayong Araw
Facebook Comments