Shame campaign sa mga SUC na hindi sumusunod sa free higher education law, sinisilip ng CHED

Walang nakikitang problema ang Commission on Higher Education (CHED) kung papahiyain ang mga State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs) na hindi sumusunod sa Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Sa ilalim ng batas, ang mga mag-aaral sa SUCs at LUCs ay malilibre na ang matrikula at miscellaneous fees.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations para sa proposed 2021 budget ng CHED, sinabi ni Prospero De Vera, Chairperson ng komisyon, inilathala na nila sa mga diyaryo ang pangalan ng mga pribadong eskwelahan na hindi sumusunod.


Aniya, mula sa higit 1,000 private universities, nasa 600 ang hndi inaasikaso ang billing documents.

Dagdag ni De Vera, mayroong SUCs ang hindi pa nakakapag-comply sa mga requirements para sa reimbursement ng tuition at miscellaneous fees.

Ang paglalabas ng reimbursement claims na may kaugnayan sa free higher education law ay inaabot lamang ng dalawang linggo basta ilalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo at nakumpleto ng education institution ang mga requirements.

Facebook Comments