Ang buhok nga daw ang crowning glory ng isang tao kaya naman paniguradong hindi mo gugustuhin na malagasan o maubusan ng buhok lalo na kung ikaw ay nasa iyong 30’s na. Hindi masamang gumamit ng shampoo ngunit iwasan nating araw-arawin ito dahil narito ang ilang masamang naidudulot nito:
It makes our hair dry. Ang palagiang pag-aapply ng shampoo ay nakapagpapa-dry ng ating buhok. Hindi ibig sabihin na gumagamit ka ng shampoo para sa dry hair ay makatutulong na ito upang maging mas natural ang iyong buhok.
It damages our hair. Ang paggamit ng shampoo ay may short-term lamang na magandang epekto sa ating buhok. Kung hindi ka hiyang sa nabili mong shampoo, mapapansin mo ang pagkasira ng iyong buhok habang tumatagal.
It makes us bald and makes our hair loss. Unti-unting nalalagas ang iyong buhok habang nagsusuklay o naliligo. Kapansin-pansin rin ang ilang parte ng ating buhok ang nakakalbo. Isa itong masamang naidudulot ng madalas na pagsa-shampoo.
It makes our hair oily. Kung hindi tayo hiyang sa ating nabiling shampoo, may chance na maging oily ang bawat ‘tips’ ng ating buhok. Dahil sa madalas na paggamit ng shampoo, nagrerelease ng oil ang ating hair tips na nagiging dahilan upang maging oily ang ating
buhok.
Possible damage to our hair scalps. Kung medyo harsh ang ating napiling shampoo, malaki ang possibility na magkaroon ng sugat ang ating scalps dahil manipis lamang ito. Kailangan natin ng ibayong pag-aalaga sa ating buhok dahil isa ito sa assets ng ating katawan.
Pangarap nating lahat ang makintab at natural na itim na buhok. Sa maayos na pag-aalaga at disiplinadong paggamit ng hair products, maaachieve natin ang pefect hair na ating hinahangad.
Article written by Jonnabel Escartin