Share ng MMDA sa IRA, nais ni Senator de Lima na idagdag sa budget ng LGUs

Sa harap ng nauubos na calamity fund ng Local Government Units (LGUs) ay isinulong ni Senator Leila de Lima na idagdag sa budget ng mga ito ang share sa Internal Revenue Allotment o IRA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang panukala ni de Lima ay nakapaloob sa inihain niyang Senate Bill No. 1897 na nag-aamyenda sa Republic Act No. 7924 na basehan ng paglikha sa MMDA at siyang nagtatakda ng mandato at otoridad nito.

Paliwanag ni de Lima, malinaw sa konstitusyon o sa Local Government Code, na ang IRA ay para lang sa LGUs at hindi kasama rito ang MMDA.


Ayon kay de Lima, ang pagbibigay ng IRA sa MMDA ay nagpapahina sa karapatan ng LGUs sa national taxes at sa prinsipyo ng local autonomy na parehong ginagarantiyahan ng konstitusyon.

Giit ni de Lima, makatwirang alisan ng IRA ang MMDA lalo’t may nakukuha naman itong taunang pondo bilang attached agency sa ilalim ng Office of the President.

Facebook Comments