Hiniling ni Senator Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng otoridad ang Department of Budget and Management (DBM) para i-release ang share ng Local Government Units o LGUs sa nakolektang excise tax mula sa tobacco.
Ayon kay Go, dahil sa mga narakaraang kalamidad, ay naapektuhan ang produksyon ng mga magsasaka, kabilang na ang mga tobacco farmers kung saan marami sa kanilang mga pananim ang hindi napakinabangan.
Diin ni Go, ang share ng LGUs sa tobacco excise tax ay may makakatulong ng malaki para makabangon ang magsasaka mula sa mga problemang kanilang kinaharap.
Base sa impormasyon ni Go, mula 2018 hanggang 2019 ay umaabot na sa mahigit 24.8-billion pesos at mahigit 21.2-billion pesos ang paghahati hatiang share ng mga benepisaryong LGUs mula sa tobacco excise tax.
Ayon kay Go, mahalagang maibigay ang kailangang tulong ng sektor ng agrikultura lalo na ang mga maliliit na magsasaka dahil malaki ang kanilang papel para sa pagbangon ng ating ekonomiya.