SHARE YOUR BLESSINGS | Lottery ticket store owner sa New Jersey, nagbigay ng mega million bonus sa kanyang mga empleyado

New Jersey – Feeling winners na rin sa lotto ang sampung empleyado ng isang gasolinahan sa New Jersey.

Nabatid na sa pinagtatrabahuhan nilang gasolinahan nabili ang lottery ticket na nagpanalo sa isa nilang customer ng $521 million o katumbas ng mahigit 27-billion pesos!

Dahil dito, binigyan ng New Jersey lottery ng 30,000 dollars ang may-ari ng gasolinahan na si Ameer Krass bilang premyo sa pagtitinda nito ng ticket.


At ang good news, hindi sosolohin ni Ameer ang pera dahil ibibigay niya itong bonus sa sampu niyang empleyado!

Habang ang ibang bahagi ng pera ido-donate niya raw sa isang local charity na nagpapatayo ng mga simbahan.

Ang napanalunang mega millions ay pang-apat umano sa pinakamalaking lotto jackpot prize sa kasaysayan ng New Jersey.

Facebook Comments