Napanatili ng Lokal na Pamahalaan ng Shariff Aguak ang estado nito bilang “Drug-Cleared Municipality” mula nang ito ay mai-deklara noong Hulyo 2017.
Muling idineklara ng Oversight Committee na pinamumunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang bayan ng Shariff Aguak bilang “Drug-Cleared Municipality”.
Ang muling deklarasyon na ito ay bunsod ng maigting na kampanya ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Engr. Marop B. Ampatuan at Vice Mayor Datu Akmad Mitra Ampatuan sa pakikipagtulungan ng mga Punong Barangay at kapulisan ng bayan ng Shariff Aguak.
Kampante naman si Mayor Ampatuan na mapapanatili ang estado nito sa mga susunod pang mga panahon dahil sa malakas na pagtutulungan ng bawat mamamayan ng Shariff Aguak.(Daisy Mangod)
Sharif Aguak, muling idineklara bilang "Drug-Cleared Municipality" ng PDEA-BARMM!
Facebook Comments