Shariff Aguak, Maguindanao del Sur posibleng maisama sa election areas of concern – PNP

Ikinokonsidera na ng Philippine National Police (PNP) na maisama sa election areas of concern ang Shariff Aguak, Maguindanao del Sur.

Ito ay makaraang magkaroon ng barilan kahapon sa kasagsagan ng paghahain ng certificate of candidacy kung saan isa ang nasawi at lima naman ang sugatan.

Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, posibleng mapabilang sa Yellow category ang Shariff Aguak, Maguindanao del Sur dahil mayroon itong intense political rivalry, may presensya ng threat groups at paglipana ng loose firearms.


Samantala, hindi pa maituturing na Election Related Incident ang nangyaring karahasan sa Shariff Aguak.

Paliwanag ni Fajardo, hindi pa kasi nag uumpisa ang election period.

Sa talaan ng Comelec, pormal na mag uumpisa ang panahon ng kampanya mula Jan. 12, 2025 hanggang June 11, 2025.

Facebook Comments