Shariff Aguak nagkaloob ng Guard Dog sa PNP BARMM

279

Nag-donate ng asong Belgian Malinois si Shariff Aguak Mayor Engr. Marop B. Ampatuan sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-BARMM).
Tinaggap ni PBGen Jonathan Ureta, Director, PNP EOD/K9 Group ang naturang aso isang linggo bago ang official signing ng Deed of Donation sa opisina ni PBGen Manuel Abu, Regional Director, PRO-BARMM, Camp General Salipada K. Pendatun, Parang, Maguindanao.
Lubos ang pasasalamat ni Gen. Abu kay Mayor Ampatuan sa pagiging bukas-palad nito.
Ang ibinigay na Belgian dog ng Alkalde ay sasanayin ng mga bihasang dog trainors upang kalaunan ay maging bahagi ng PNP EOD/K9 Group. Nangako din naman si Mayor Ampatuan ng buong suporta sa mga programa ng PNP sa hangarin nito na mamentina ang peace and order sa Maguindanao at sa Bangsamoro Region sa kabuuan
Shariff Aguak Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments