Masusing pinag-aaralan ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon ng sharing ng motorcycle at bicycle lane kung saan magpasaklolo na rin sila sa mga stakeholder kung ano ang kanilang maimumungkahi tungkol sa paggamit ng bicycle lane.
Sa ginanap sinabi ni MMDA acting Chairman Atty. Romando Don Artes na ngayong linggo mayroon na silang inisyal kung saan magpatawag sila ng meeting sa darating na August 29 bago isapinal ang pagpatutupad ng bicycle lane.
Payo ni Chairman Artes na huwag silang mag away dahil bawat isa ay mayroong karapatan dahil ang batas naman ay ginawa ng pantay pantay.
Paliwanag ni Artes na kulang sila sa mga tauhan at hindi ningas kugon umano ang kanilang ginagawa sa pagpatutupad ng batas trapiko kung saan ay dati ang manghuhuli ay sa pamamagitan ng CCTV camera pero ngayon ay manu-mano na at wala umanong silang gaanong personnel na manghuhuli sila sa mga lumalabag sa batas trapiko.
Dagdag a ni Artes na ilang araw din silang nag ooperate sa mga exclusive School na nakahaharang sa daraanan ng tao kayat walang katotohanan na pinipili lamang ang kanilang hinuhuli at walang katotihanan umano na discrimatory sila sa panghuhuli dahil mayruon naman silang nahuhuling kotse na pumapasok sa bicycle lane.
Giit pa ni Chairman na ipinatupad nila ang batas trapiko ay upang magkaroon ng disiplina at makabawas na rin sa trapiko ang mga motorista sa lansangan.
Ang dumadaan sa EDSA na mga motorsiklo ay umaabot sa 165,000 araw-araw na nagdudulot ng matinding trapiko sa EDSA.