Sharon Cuneta, nagsalita na hinggil sa solong pagbabakasyon nito sa Amerika

Manila, Philippines – Nagsalita na si Sharon Cuneta kung bakit mag-isa lamang siyang nagpunta sa Amerika at hindi kasama ang pamilya.

Ayon sa Mega Star, hindi pa rin siya nakakamove-on sa pagkawala ng malapit niyang kaibigan at song writer na si Willie Cruz.

Inamin din ni Sharon na hindi ganoon kaayos ngayon ang pagsasama nila ng kanyang asawa na si Sen. Kiko Pangilinan.


Dagdag pa ni Shawie, gusto lamang daw niya na mag isip-isip muna sa mga nagawa niyang desisyon sa buhay kaya’t mag-isa itong nagbakasyon sa ibang bansa.

Samantala*,* kinumpirma ng sexy actress na si Bangs Garcia na buntis na ito ng mahigit tatlong buwan.

Ayon kay Bangs, gusto talaga nilang magkababy agad matapos ang kanilang kasal nila ni Lloydi Birchmore noong January.

Sa ngayon, hindi pa nila alam kung anong kasarian ng kanilang magiging unang baby ngunit nararamdaman niya na ito ay isang lalaki.
DZXL558

Facebook Comments