“Sharp decline” sa COVID-19 cases, dapat munang makita bago ibaba ang NCR sa mas maluwag na quarantine level

35
COURTESY: MAYOR FRANCIS ZAMORA FB

Dapat munang makitaan ng “sharp decline” sa bilang ng COVID-19 ang Metro Manila bago ito isailalim sa mas maluwag na quarantine level.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, kahit nagbubukas na ang mga negosyo at marami nang tao ang lumalabas, dapat na maging stable ang pagbaba ng COVID -19 cases sa NCR.

Kung magtutuloy-tuloy ay maaari na nilang irekomenda ang pagbubukas ng mas marami pang industriya at sektor.

Aniya, nag-iingat lang ang mga alkalde para maiwasang tumaas muli ang bilang ng mga active cases.

Facebook Comments