SHED OWNERS SA TONDALIGAN BEACH, PANAWAGA’Y TUMAAS ANG BAYAD SA RENTA NG MGA COTTAGES

Bilang plano ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na mas paunlarin at mas pagandahin pa ang Tondaligan Ferdinand Blue Beach upang mapataas ang bilang ng mga turistang dadayo sa nasabing pasyalan, hinaing ng ilang mga shed owners dito, taasan ang singil sa bayad ng mga nirerentahang cottages.
Nasa limang daan o P500 ang singil sa mga kubo tuwing Lunes hanggang Biyernes, tumataas naman ang singil pagsapit ng Sabado hanggang Linggo na nasa walong daang piso o P800.
Alinsunod sa hiling ng mga shed owners na pataasan ang singil sa bayad ng mga cottages ay ang tinututukang ordinansa ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ukol sa pagbabantay sa presyo ng mga uupahang sheds upang maiwasan ang overpricing.

Samantala, kabilang din ang planong pagpapatayo ng One Bonuan Pavillon, Skateboard Park, Filipino Chinese Friendship Park mula sa Consulate of The People’s Republic of China kasama ang pagpapaunlad ng nasabing beach attraction. |ifmnews
Facebook Comments