Sheila Guo at Cassandra Li Ong, pinasasampahan na ng kaso ng National Prosecution Service

Iniutos na ng National Prosecution Service (NPS) na sampahan ng mga kaso sa korte si Sheila Guo na may mataas umanong posisyon sa POGO operation sa Tarlac na noong una ay sinasabing kapatid ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Kasama rin sa pinasasampahan ng kaso sa korte si Cassandra Li Ong na kinatawan umano ng ni-raid na iligal na POGO sa Porac, Pampanga na Lucky South 99.

Nagdesisyon ang prosekusyon na ihain na sa korte ang mga kaso matapos ang isinagawang inquest proceeding sa dalawa makaraan naman silang napabalik dito sa bansa noong isang linggo.


Batay sa 12 pahinang desisyon ng NPS, si Guo o Zhang Mier ay mahaharap sa mga kasong Using of False Philippine Passport at Disobedience to Summon dahil sa hindi pagdalo sa Senate hearing.

Si Cassandra Ong naman ay sasampahan ng mga kasong Obstruction of Justice para sa Harboring, Concealing at Facilitation the Escape of a Criminal Offender.

Bukod pa sa kasong Disobedience to Summon dahil sa hindi niya pagdalo sa pagdinig sa Kamara.

Facebook Comments