Sheila Guo, nailipat na sa Senate custody

Nailipat na sa kustodiya ng Senado si Sheila Guo, kapatid ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo, mula sa National Bureau of Investigation o NBI.

Pagdating ng Senado ay nagsagawa ng inventory ang Senate Sergeant at Arms sa mga gamit nito.

Tiniyak naman ni Senate Sergeant at Arms Chief Lt. Gen. Roberto Ancan ang mahigpit na seguridad na ipatutupad nila para sa kaligtasan ni Guo.


Agad din na tinawagan ni Sheila ang kanyang abogado nang dumating ito sa Senado kung saan siya ay pinahiram lamang ng telepono ng mga awtoridad.

Si Sheila Guo ay haharap bukas sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado hinggil sa illegal POGOs sa bansa.

Facebook Comments