Sheila Guo, sinampahan na ng kasong deportation for misrepresentation ng Bureau of Immigration

Nahaharap sa kasong deportation for misrepresentation ang kapatid ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo na si Shiela Guo ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Ito ay dahil sa pagpapanggap ni Shiela na isang Pilipino kahit na isa pala itong Chinese national.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BI spokesperson Dana Sandoval na batay sa kanilang imbestigasyon lumalabas kasi na valid pa ang Chinese passport ni Shiela hanggang 2031.


Pero sabi ni Sandoval, na hindi ide-deport si Shiela dahil may nakabinbing itong kaso sa local courts.

Samantala, wala naman immigration case si Cassandra Li Ong dahil isa itong Filipino pero ani Sandoval, ang National Bureau of Investigation (NBI) ang humawak sa kaniyang kustodiya.

Facebook Comments