Sheriff sa Laguna RTC, kinastigo ng Korte Suprema sa pagtanggap ng bayad sa isang litigant

Pinagmulta ng Korte Suprema ang sheriff ng Laguna Regional Trial Court, Branch 93 na napatunayang tumanggap ng pera mula sa isang litigant.

Sa kautusang ibinaba ng Korte Suprema, kailangang magbayad ng ₱300,000 ang sheriff na si Ma. Consuelo Joi Alameda-Fajardo bilang parusa sa pagkakasala sa batas.

Si Fajardo na may position na Sheriff IV ay kinasuhan sa korte ng isang Reynaldo Solema dahil sa paghingi ng pera bago ipatupad ang writ of execution ng korte.


Matapos ang deliberasyon ng Korte Suprema, napatunayan na guilty si Fajardo sa mga kasong gross misconduct ng Code of Conduct of Court personnel at serious dishonesty na itinatakda sa Rules of Court.

Paalala ng Korte Suprema, hindi maaaring maningil ang sheriff ng lampas sa itinakda ng korte na bayaran ng isang litigant para ipatupad ang writ of execution.

Facebook Comments