Shiela Guo at Cassandra Ong, dadalhin muna sa NBI para sa questioning – DOJ

Dadalhin muna sa National Bureau of Investigation (NBI) sina Shiela Leal Guo at Cassandra Ong pagdating nito sa bansa ngayong hapon mula sa Indonesia.

Sa ambush interview kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sinabi nitong kailangan munang dumaan sa proseso gaya ng questioning bago dalhin sa Kongreso kung saan sila may warrant.

Ayon kay Remulla, kailangan pa ring idaan ang lahat alinsunod sa batas at irespeto ang kanilang mga karapatan.


Samantala, inatasan na rin ni Remulla ang Bureau of Immigration (BI) na ihanda ang mga kaso laban sa kanila dahil sa paglabag sa Immigration laws.

Facebook Comments