Seoul, South Korea, Nob. 10, 2019 – *100,000 Graduation ng Shincheonji, ang pinakamalaking pagtatapos na ginanap sa mundo*. Ang Shincheonji, na kilala rin bilang New Heaven and New Earth ay nagdaos ng 100,000 Graduation sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang mga nagtapos ay ang mga mag-aaral na nakapasa sa masinsinang kurso ng bibliya na inaalok ng Shincheonji.
Sa loob lamang ng isang taon, daang libong mga nagtapos mula sa isang masinsinang pag-aaral ng bibliya na ibinigay ng Shincheonji.
Ito ang pinakamalaking pagtatapos mula sa isang denominasyon na nagsisilbing isang pang-buong mundong kaganapan na kamangha-mangha. Sa katunayan, ang pambihirang pangyayari na ito ay nagpapakita ng paglago at paglawak ng Shincheonji.
Nahuli nito ang pansin ng media dahil hindi lamang ito ginanap sa Korea kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang Pilipinas.
Ang Shincheonji ay nakakatanggap ng mga maling akusasyon mula sa ilang grupo ng Kristiyanismo. Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng ito, ang mga nagtapos ay nagpapatotoo sa kabutihan na kanilang narinig at natutunan sa kanilang mga sarili.
Ang mabilis at nakakagulat na paglaki ng Shincheonji ay parehong umaani ng pagtataka at pagkamangha mula sa mga pastor galing sa iba’t ibang mga simbahan at paaralan ng teolohiya sa buong mundo.
Ang paglago ng Shincheonji ay inaasahan mas lumaki pa pagkatapos ng graduation. Ang pinagsamang kabuohang bilang ng mga nagtapos ay katumbas ng 100 na simbahan na may 1,000 miyembro bawat isa. Sa kasalukuyan 200,000 higit pang mga mag-aaral ang nakatala sa programa ng teolohiya.
Nagmamarka ito ng isang makasaysayang tagumpay para sa pag-aaral sa teolohiko lalo na sa mga naitalang pagbaba ng edukasyon sa seminaryo sa nakaraang dekada ayon sap ag-aaral na isinagawa ng Samahan ng Mga Paaralang Teolohiya (Association of Theology Schools). Sa ganitong yugto, ang Shincheonji ay inaasahan na lalampas sa isang milyong miyembro sa loob ng tatlong taon — pagmamarka ng isang hindi pa naganap na pambihirang tagumpay sa relihiyon.