Manila, Philippines – Trending ngayon sa social media ang “sparkling” gown ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach matapos niya itong ibahagi sa instagram.
Umabot sa mahigit 800,000 views ang video clip na ibinahagi ni Pia suot ang gown na gawa ng kilalang fashion designer na si Michael Leyva.
Maraming netizens ang natuwa at humanga sa “confidently beautiful with a heart” na pose ng beauty queen.
Say ng ilan, signature look raw ito ni Pia para sa taong 2017.
Halos kamukha kasi ng sparkling gown ni Pia ang sheer off-the-shoulder gown na sinuot naman niya sa Star Magic Ball.
Ang gown ay gawa naman ng Dubai-based designer na si Ezra Santos.
Facebook Comments