Shipment ng iligal na droga na dadalhin sana sa Italy, nakumpiska ng Bureau of Customs

Matagumpay na naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang cargo na naglalaman ng iligal na droga.

Sa ulat ng BOC, idineklarang mga dokumento ang shipment na mula Muntinlupa City at patungong Italy pero nang buksan ng mga awtoridad ay tumambad ang dalawampung sachet ng hinihinalang shabu na nakalagay sa pitong maliliit na plastic packs.

Aabot sa 100 gramo ang iligal na drogang nakumpiska na nagkakahalaga ng ₱600,000.


Sa ngayon ay nai-turnover na ang mga iligal na droga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at inihahanda na ang mga kaso sa mga nasa likod nito.

Mahaharap sa mga reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act ang nagpadala ng mga nakumpiskang iligal na droga.

Facebook Comments