Shipment permit ng 19 libong kilo ng manok na nakalabas mula Luzon, pinag-aralan ngayon ng DA

Manila, Philippines – Tinitignan ngayon ng Department of Agriculture kung kailan na-issue ang shipment permit ng higit 19 libong kilo ng manok na naharang sa pantalan sa Cagayan De Oro, kahapon.

Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, posible kasi na naunang mai-issue ang shipment permit ng naturang mga manok bago ang inilabas nilang shipment ban noon August 11.

“We’re still assessing the issue. Kasi tinitignan naming kung kailan na issue ‘yung (shipment) permit, kasi August 11 namin na-issue ‘yung (shipment) ban, baka maagang na issue yung (shipment) permit.”


Sa kasalukuyan, wala pa aniya siyang natatanggap na update sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa mga nakalusot na 19 libong kilo ng manok.

At sakaling aniya na kakitaan ng paglabag, tiniyak ni Piñol na mayroong mananagot dito.

Sa ngayon, naka hold ang nasabing shipment habang nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Department of Agriculture.

Facebook Comments