Inanunsyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na balik na sa normal ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat at pangingisda sa lahat ng karagatan sa Bicol Region.
Kabilang dito ang motorbancas, at rolling cargoes na stranded at humimpil sa rehiyon sa gitna ng masamang panahon.
Samantala, na-rescue ng PCG ang 10 crew members ng lumubog na MBCA ISLAND BREEZE sa Pio Duran, Albay.
Ang mga naligtas na tripulante ay pawang nasa maayos naman na kalagayan.
Patungo sana ng Claveria Island ang bangka nang salubungin ito ng malakas na hangin at malalaking alon.
Facebook Comments