Shipping ng mga balotang gagamitin sa Overseas Absentee Voting, sisimulan na sa susunod na linggo

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) sa susunod na linggo na ipadala ang mga balota sa iba’t-ibang lugar abroad para sa Overseas Absentee Voting (OAV).

Ayon kay Elaiza David, Director III ng Office for Overseas Voting – ang unang shipment ay sa ikalawang linggo ng Marso.

Aniya, nilalaman ng mga envelope ay mga balota, instructions sa mga botante at ang listahan ng mga kandidato sa 2019 midterm elections.


Ang mga Pilipino na nasa ibang bansa ay boboto para sa national positions lamang, 12 senador at isang party-list group.

Ang voting period ay 30 days, na magsisimula sa April 13 (oras ng host country) at magtatapos sa May 13 (oras sa Pilipinas).

Tinatayang nasa 1.8 million overseas voters, karamihan sa mga ito ay nasa Middle East at Africa.

Facebook Comments