Nagkapit-bisig ang mga shoe owner upang muling ibalik ang sigla ng industriya ng sapatos sa Marikina City.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, nilelevel up na ang paggawa ng sapatos dahil maaari ka ng magpa-costumize ng sapatos. Ibig sabihin aniya, kung ano ang gustong disenyo ng sapatos at kung anong materyales nito ay maaari nang masunod.
Paliwanag ni Mayor Teodoro, walang kumpetensiya sa mga shoe owner bagkus nagtutulungan sila upang maibalik ang ningning ng paggawa ng sapatos na kinikilala sa buong mundo.
Ayon naman sa mga shoe owner, bukod sa pagcustomize ng mga sapatos ay magkakaroon din ng iba’t ibang disensyo na hango sa mga ibat ibang uri ng disenyo na may kinalaman sa ating kultura.
Facebook Comments