‘Shoe parade’, idinaos sa Marawi bilang paggunita sa mga nasawi sa bakbakan

Courtesy: Aslani Montila / Siyap ko Pagtaw

Daan-daang pares ng mga tsinelas at sapatos ang inilatag sa kahabaan ng Sarimanok-Sagonsongan Diversion Road sa Marawi City, Huwebes, Hunyo 20.

Ito’y bilang paggunita umano sa mga sibilyang nasawi sa Marawi siege dalawang taon na ang nakararaan.

Kasabay ng World Refugee Day, inorganisa ng civil society groups sa lungsod ang “Shoes Parade: A Walk to Remember.”


Nagsimula ang pagdaraos ng World Refugee Day noong pang 2000 para bigyang pansin ang mga taong napipilitang lisanin ang kani-kanilang mga lugar dahil sa mga giyera.

Tinatayang kalahating milyon ang nawalan ng tirahan dahil sa kaguluhan sa Marawi City na tumagal ng limang buwan.

Bukod sa pag-alala, nanawagan din ang mga civil society group para sa mas mabilis na rehabilitasyon ng lungsod at ang nakabinbin na Marawi Reparation and Compensation Bill sa Kongreso.

Facebook Comments