“Shoot to kill” handang ipatupad ng PNP sakaling manlaban habang inaaresto ang mga nakalayang preso dahil sa GCTA

Handang ipatupad ng Philippine National Police (PNP) ang “shoot-to-kill” order sa mga convict na nakalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) sakaling pumalag o maglaban sa kanilang pag-aresto.

Pero hinikayat ni PNP Chief Oscar albayalde ang mga ito na boluntaryong sumuko na lamang.

Aniya, wala silang magagawa dahil bahagi ito ng Police Operation kapag nagsisilbi ng arrest warrant.


15 araw lamang ang ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nakalayang preso na sumuko.

Facebook Comments