“Shoot to Kill” order ni Pangulong Duterte, para lamang sa mga rebeldeng komunista na gustong lumaban sa gobyerno – Lorenzana

Ipinatutupad na ng mga pulis at sundalo ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na “shoot to kill” laban sa mga rebeldeng komunista.

Nabatid na siyam na aktibista sa CALABARZON ang napaslang sa police at military operations kasunod ng direktiba ng Pangulo.

Pero paglilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, na ang nasabing kautusan ay para lamang sa mga ayaw sumuko at gusto pa ring lumaban sa gobyerno.


Para din aniya ito sa mga may hawak pa ring armas at handang mamatay.

Iginiit ni Lorenzana na handang labanan ng puwersa ng gobyerno ang mga ito.

Ang ‘shoot to kill’ ay isa lamang sa dalawang options ng gobyerno laban sa mga rebeldeng komunista at ang isa rito ay hinakayatin silang sumuko.

Una nang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana na lehitimo ang ginawang operasyon ng pulisya sa Southern Tagalog.

Facebook Comments