Shoot To Kill Order Sa Mga Tumakas Na Preso Sa North Cotabato District Jail – Pinabulaanan Ng Dilg

6

MANILA – Pinabulaanan ni Interior Secretary Mike Sueno ang diumano’y paglalabas ng “shoot-to-kill” order laban sa mga pugante ng north Cotabato district jail matapos ang nangyaring jailbreak.Paliwanag ni Sueno, bagamat may otoridad sila na ipag-utos ang shoot-to-kill order sa Philippine National Police laban sa mga preso ay hindi nila ito gagawin hanggat ‘di manlalaban ang mga ito.Giit ni Sueno – hindi naman maganda kung basta na lamang papatayin ang mga ito ng walang kalaban-laban at wala ito sa polisiya na sinusunod ng dilg.Pero nilinaw ng kalihim na sakaling manlaban ang mga pugante sa ginagawang hot pursuit operation ay mapipilitan silang paputukan o gantihan ang mga preso.Samantala, itinanggi rin ni PNP Spokesman S/Supt. Dionardo Carlos na mayroon silang natanggap na shoot to kill order laban sa mga preso.Sa ngayon, nasa 110 pa ang bilang ng mga preso na tinutugis pa rin ng pinagsanib na pwersa ng PNP, BJMP at ng AFP.

Facebook Comments