SHOOTERS AT GUN ENTHUSIASTS, NAGTIPON SA KAUNA-UNAHANG SHOOTFEST NG DCPO NGAYONG 2026

Pinarangalan ng Dagupan City Police Office (DCPO) ang mga nagwagi sa ginanap na kauna-unahang City Advisory Group for Police Transformation and Development (CAGPTD) Cup 2026 Shootfest kahapon, Pebrero 20, 2026.

Idinaos ang awarding ceremony kasunod ng shootfest na ginanap noong Pebrero 14 sa isang firing range sa Bonuan Binloc, Dagupan City.

Ayon sa DCPO, ito ang kauna-unahang shootfest na idinaos ng ahensya ngayong taon.

Dinaluhan ito ng mga shooters at gun enthusiasts mula sa iba’t ibang bahagi ng Pangasinan.

Kaugnay nito, kinilala ang paligsahan bilang isang entry-level ng practical shooting competition na may pitong (7) stages at may minimum na 132 rounds.

Isinagawa ito sa pakikipagtulungan ng DCPO sa shooting associations sa Dagupan at iba pang lugar.

Samantala, inanunsyo ni Councilor Joey Tamayo sa huling bahagi ng programa ang plano ng pamahalaang lungsod ng Dagupan na magtayo ng bagong base ng DCPO sa Bonuan Gueset at pitong (7) karagdagang himpilan sa iba’t ibang barangay sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments