SHOOTING INCIDENT | 19 patay sa pamamaril sa isang eskwelahan sa Russia

Russia – Patay ang nasa 19 na tao habang marami ang sugatan matapos ang pamamaril ng isang estudyante sa Kerch City, Russia.

Ang suspek ay si Vladislav Roslyakov, 18-anyos.

Bitbit ang firearm, bigla na lamang itong namaril sa loob ng eskwelahan.


Pagkatapos nito ay nagpakamatay din ang suspek.

Hindi pa malinaw ang motibo sa pamamaril pero inihalintulad ito sa mga nangyaring school shooting sa Estados Unidos.

Ipinag-utos na ni Russian President Vladimir Putin ang malalimang imbestigasyon sa insidente.

Facebook Comments