SHOOTING INCIDENT | 3 persons of interest sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Halili, sinisilip na ng awtoridad

Manila, Philippines – Tatlong persons of interest na ang tinututukan ng mga awtoridad sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Ayon kay Calabarzon Regional Police Director, Chief Superintendent Ted Carranza, dalawa dito ang sangkot sa ilegal na droga.

Pero hindi pa malinaw kung ang pagkakasangkot na ito ay dahil sa pagkakasama sa narcolist ni Halili o dahil sa nasagasaan niya ang mga ito sa drug war.


Nilinaw din ng mga awtoridad na hindi sniper ang nakapatay kay Halili.

Posibleng hindi lang isa ang nasa likod ng krimen.

Sa ngayon, wala pang malinaw na motibo sa pagpatay sa alkalde.

Facebook Comments