SHOOTING INCIDENT | 4 menor de edad, sugatan sa pamamaril ng suspek na nagpakilala umanong pulis

Pagadian City – Kritikal ang isang menor de edad habang sugatan naman ang tatlo pa nitong kasamahan matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa bahagi ng Gate 10, Agora Market ng Barangay Sta. Lucia, Pagadian alas 2:40 ng madaling araw.

Isinugod sa ospital ang 17-anyos na biktima matapos tamaan ng bala sa ulo.

Ayon sa mga biktima, nakasakay lang sila sa isang tricycle nang harangin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki na nagpapakilalang pulis at kinuha ang mga cellphones nga mga biktima at pinagbabaril ang mga menor de edad habang papalayo ang mga suspek.


Robbery ang motibo na sinundan ng kapulisan sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa nasabing insidente.

Facebook Comments