SHOOTING INCIDENT | Apat patay sa pamamaril sa loob ng isang unibersidad sa Turkey

Turkey – Nasawi ang apat na empleyado ng isang unibersidad matapos pagbabarilin ng isang suspek sa Turkey.

Kabilang sa mga namatay ay ang deputy dean, faculty secretary at dalawang lecturer.

Batay sa imbestigasyon, pinasok ng suspek ang Osmangazi University saka pinagbabaril ang mga biktima.


Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa mga awtoridad.

Hinala ng mga awtoridad, mayroong personal na galit ang suspek sa mga biktima.

Facebook Comments