SHOOTING INCIDENT | Bagong pinuno ng Mandaluyong Police District, pinangalanan na

Manila, Philippines – Pinangalanan na ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Superintendent Oscar Albayalde ang pansamantalang mamumuno sa Mandaluyong Police District.

Ito ay matapos masibak sa puwesto si Mandaluyong City Police Chief Senior Superintendent Moises Villaceran.

Kasunod ito ng madugong shooting incident kagabi kung saan dalawa ang nasawi at dalawa rin ang nasugatan.


Aniya, si Deputy Chief of Police for Administration Col. Enrique Agtarap muna ang pansamantalang hahalili kay Villaceran.

Matatandaang nirelieve sa puwesto si Villaceran at patuloy na iniimbestigahan dahil sa pumalyang command responsibility at ang sampung Mandaluyong-police na sangkot sa pamamaril.

Samantala, sinimulan na rin ng Commission on Human Rights ang kanilang sariling imbestigasyon hinggil dito.

Facebook Comments