SHOOTING INCIDENT | DOJ at NBI, dumistansya muna sa kaso ng pamamaril sa alkalde ng Tanauan, Batangas

Manila, Philippines – Hindi muna papasok ang DOJ sa imbestigasyon sa pamamaril at pagpatay kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili kanina.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pinauubaya muna nila sa PNP ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing krimen.

Aniya, wala pang pangangailangan sa ngayon na pumasok ang DOJ o ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagpatay kay Mayor Halili.


Sa kabila nito, inihayag ni Guevarra, agad niyang aatasan ang NBI na magsagawa ng sarili nitong imbestigasyon sakaling kinakailangan ng pagkakataon para mapanagot ang mga nasa likod ng pagpatay sa alkalde.

Facebook Comments