SHOOTING INCIDENT | Motibo sa pamamaril ng babaeng suspek sa YouTube headquarters sa California, natukoy na

California – Natukoy na ng mga awtoridad ang motibo ng pamamaril ng isang babae sa YouTube headquarters sa San Bruno, California.

Ayon kay San Bruno Police Chief Ed Barberini – bago nangyari ang insidente, ang suspek na si Nasim Najafi Aghdam ay nag-practice shooting pa sa isang gun range.

Bitbit ang 9-mm smith & wesson handgun, pinagbabaril nito ang tatlong tao na hindi niya kilala sa Silicon Valley Campus bago barilin ang kanyang sarili.


Ang dahilan aniya ay ang pagkakasama ng loob nito sa mga polisiya at panuntunan ng YouTube.

Nakalabas na ng ospital ang dalawang biktima ng pamamaril habang nasa seryosong kondisyon pa ang isa pa.

Facebook Comments