Manila, Philippines – Nakahanda ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang sunod-sunod na pagpatay sa mga katolikong pari.
Ito ay matapos pagbabarilin at mapatay ang tatlong katolikong pari simula noong nakaraang taon.
Bukod pa rito ang pananambang kay Father Rey Urmeneta ng Diocese of San Pablo, Calamba, Laguna.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, anuman oras ay handa siyang magbigay mandato sa NBI na mag-imbestiga sa mga nasabing kaso.
Gayunman, hahayaan muna aniya niya ang Philippine National Police (PNP) na gawin ang kanilang tungkulin.
Facebook Comments