SHOOTING INCIDENT | NBI, magsasagawa na rin ng parallel investigation kaugnay ng pagpatay kay Tanauan City Mayor Halili

Batangas City – Ipinag-utos na ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagbuo ng isang team na magsagawa ng parallel investigation kaugnay sa pagpatay kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili.

Bagamat ang Philippine National Police (PNP) pa rin ang siyang lead investigating body, pagtitiyak ni Guevarra na malaking tulong din ang maibibigay ng gagawing imbestigasyon ng NBI.

Magugunitang napatay sa pamamagitan ng isang sniper shot sa dibdib si Halili habang nasa flag raising ceremony sa compound ng Tanauan City Hall.


Sinasabing puwesto ang salarin sa masukal na bahagi ng bakanteng lote na ilang metro lamang ang layo mula sa kinatatayuan ni Halili.

Lumilitaw rin na isang bala ng M14 rifle ang kumitil sa buhay ni Halili na nakilala sa kanyang shame campaign sa mga nahuhuling kriminal sa kanyang nasasakupang lugar.

Facebook Comments