SHOOTING INCIDENT | Pagpatay kay Mayor Halili kinondena ng Malacañang

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Palasyo ng Malacañang ang pagpatay kay Tanauan Batangas Mayor Antonio Halili.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, minsang naging kakampi ni Pangulong Rodrigo Duterte si Halili sa paglaban sa iligal na droga si Halili at marami din itong naiambag sa pag-unlad sa Tanauan.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Roque sa mga naiwang mahal sa buhay ni Halili.


Sa issue naman ng pagkakasangkot sa iligal na droga ni Halili ay sinabi ni Roque na mayroong takdang panahon para ito ay imbestigahan dahil ngayon ay pakikidalamhati at pakikiramay muna ang mas maiging gawin.

Tiniyak din naman ni Roque na tututukan ng mga otoridad ang krimen na ito upang mapanagot ang mga nasa likod ng pagpatay.

Matatandaan na si Halili ay tinanggalan ng kapangyarihan sa pulis noong nakaraang taon dahil sa pagkakadawit nito sa iligal na droga.

Facebook Comments