SHOOTING INCIDENT | PNP may dalawang persons of interest na sa pagpatay kay Father Richmond Nilo

Manila, Philippines – Mayroon nang dalawang persons of interest ang Philippine National Police (PNP) sa pagpatay kay Father Richmond Nilo nitong Linggo habang nagmimisa sa loob ng kapilya sa Kapilya sa Barangay Mayamot, Zaragosa, Nueva Ecija.

Ini-report mismo ni PNP Region 3 Regional Director Chief Superintendent Amador Corpuz kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde ngayong tanghali impormasyon matapos siyang atasan kahapon ng PNP Chief na bumuo ng Special Investigation Task Group para sa mabilis na paglutas sa kaso ng napatay na pari.

Personal na nagtungo si Albayalde sa Zaragosa Police Station matapos dumalo sa Independence Day celebration sa Kawit Cavite, para kumuha ng updates sa ongoing investigation.


Iprinisenta mismo ni Corpuz sa PNP Chief ang CCTV footage na nakuha mula sa barangay hall malapit sa kapilya kung saan nagmimisa si Father Nilo sa panahon na naganap ang krimen.

Kita sa CCTV ang dalawang riding in tandem na patungo sa direksyon ng kapilya at pabalik sa pinanggalingang direksyon makalipas ang ilang minuto, noong panahong nabaril ang pari sa lugar.

Sa ngayon target na PNP sa kanilang manhunt operation ang dalawang itinuturing na persons of interest.

Facebook Comments