General Santos City – Patay ang dalawang tao ang patay kabilang ang isang
pulis na kabilang sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte at isang
negosyante sa nangyaring pamamaril sa magkahiwalay na lugar sa General
Santos City.
Kinilala ang nasawing pulis na si PO1 Glen Alicarte na dating nadestino sa
city anti-illegal drugs special operation task group at nagtrabaho na
ngayon sa Camp Crame.
Tatlong beses na pinagbabaril ng riding in tandem ang pulis na natamaan sa
ulo na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Dead on the spot naman ang negosyanteng si Deelon Bansuan makaraang
pagbabarilin din ng riding in tandem habang nasa kaniyang sasakyan.
Inaalam pa din kung ano ang motibo sa pagpatay sa dalawa maging ang
pagkakakilanlan ng mga suspek.
<#m_-5644853264341298358_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>