Amerika – Nagluluksa ngayon ang pop singer na si Rihanna dahil sa pagkamatay ng kanyang pinsan na binaril sa Barbados.
Sa instagram post ng Grammy award-winning singer, ibinahagi nito ang kanyang mga litrato kasama ang nakababatang pinsan.
Sa caption ng naturang post, sinabi ni Rihanna na nakasama lamang niya si Alleyne nang magdiwang ito ng Pasko.
Dagdag pa nito, hindi niya akalain na ito na pala ang huling beses na mayayakap niya ang pinsan.
Ginamit pa ni Rihanna ang hashtag na #endgunviolence sa post.
Nagpost rin si Rihanna sa kanyang instagram story kung saan isinulat nito ang mga katagang “rest up lil cuz” at naka-tag rin ang instagram account ng kanyang pinsan.
Facebook Comments