Shooting incident sa EDSA-Reliance na ikinamatay ng isang negosyante at driver nito, negosyo ang posibleng motibo ayon sa Mandaluyong PNP

Anggulong negosyo ang tinitingnan ng Mandaluyong PNP sa pamamaril ng riding-in-tandem sa isang puting van na ikinamatay ng dalawang katao sa kahaban ng EDSA-Reliance southbound.

Kinilala ang mga biktimang sina Jose Luis Yulo at Nomer Allan Santos.

Sa interview ng RMN Manila kay Mandaluyong Chief of Police, Sr/Supt. Moises Villaceran Jr. – si Yulo ay nagmamay-ari ng iba’t-ibang business kaya ito ang isa sa pangunahing motibo na kanilang tututukan.


Nabatid na galing ang mga biktima sa isang race track sa Angeles City, Pampanga.

Nagpapagaling pa rin sa ospital si Esmeralda Ignacio, ang babaeng kasama ng dalawang biktima nang mangyari ang insidente.

Humingi na rin ng tulong ang Mandaluyong PNP sa CIDG para sa mabilis na pagkakalutas ng kaso.

Blangko pa ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng riding in tandem suspects.

Facebook Comments