SHOOTING INCIDENT | SITG binuo kaugnay sa pagkamatay ni Tanauan City Mayor Antonio Halili

Manila, Philippines – Bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng Special Investigation Task Group (SITG) na tututok sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Ito ang kinumpirma ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Aniya ang Deputy Regional Director for Operation ng PNP CALABARZON ang mamumuno sa binuong SITG.


Isa naman sa tinitingnan motibo ngayon ni Albayalde sa pagpatay sa alkalde ay dahil sa ipinatutupad nitong walk of shame sa mga naarestong mga drug personalities.

Aniya maaring may nasaktan o nasagasaan si Mayor Halili sa kampanya niyang ito.

Hindi naman makumpirma ni Albayalde kung si Halili mismo ay kabilang sa narco list ng Pangulo.

Hindi pa rin aniya kumpleto ang report ng crime laboratory sa uri ng baril na ginamit ng gunman kaya hindi pa nila matukoy ngayon kung sniper ito

Aniya presumption lang na sniper ang ginamit dahil walang nakitang gunman sa pinangyarihan ng insidente.

Alas-8:10 ng umaga kanina habang nasa flag raising ceremony si Mayor Halili ay pinagbabaril ito na tumama sa kanyang dibdib dahilan ng kanyang kamatayan.

Facebook Comments