SHOOTING INCIDENT | Suspek sa pagpaslang kay Tanauan City Mayor Halili, hindi pa rin natutukoy

Batangas City – Hindi pa natutukoy ng pulisya ang suspek sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Ayon kay Calabarzon Regional Director Chief Superintendent Edward Carranza, lahat ng anggulo ay pinag-aaralan na ng mga pulis kabilang ang pulitika, personal at iba pa.

Patuloy pa din ang pagkalap ng ebidensya ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar kung saan naganap ang pamamaril.


Sabi ni Carranza, natukoy ng mga imbestigador sa kaso na ang gunman ay maaring nagmula at nagtago sa isang masukal na bahagi sa kanan ng City Hall.

Mayroon kasing isang lugar doon ang maraming damo na maaring pinagtaguan ng suspek.

Sa hiwalay na pahayag sinabi naman ni Tanauan Police Chief Superintendent Renato Mercado na maaring nasa 150 meters ang layo ng gunman kay Halili.

Facebook Comments