California – Napatay ng mga awtoridad ang hinihininalang suspek sa pamamaril sa loob ng headquarters ng YouTube sa San Bruno, California.
Aabot halos limang tao ang isinugod sa ospital matapos masugatan sa pamamaril.
Kwento ng ilang empleyado ng sikat na video streaming site, nakarinig na lamang sila ng hindi bababa sa sampung putok ng baril.
Dito na sila nakita ang mga tao na nagmamadaling makalabas ng gusali.
Patuloy na nakikipagtulungan ang google sa mga awtoridad.
Noong nakaraang buwan, inanunsyo ng YouTube na ipagbabawal nila ang anumang content ukol sa pagsusulong ng pagbili, pagbenta o paggawa ng baril at accessories nito.
Facebook Comments